Do You Remember?


NAAALALA MO PA BA ANG PANAHON NA...

1. piso lang ang pamasahe (ngayo'y 3.00 na)?

2. wala kang pinuprublema dahil musmos ka pa lang?

3. ang babae lang ang may hikaw?

4. ang preso lang ang may tattoo?

5. kilala mo ang lahat ng myembro ng Voltes V?

6. una mong nalasahan ang beer at sigarilyo, masama sa 'yong panlasa subalit pinilit mong magustuhan para maging cool at in ka?

7. kung magmura ka ay putangina (ngayo'y syet at pakyu na)?

8. pinagtatawanan ang itim na rubbershoes at mahahabang shorts?

9. pinalayas ng mga Pinoy ang mga Marcos (pero ngayo'y pinabalik uli sa pwesto)?

10. kala mo'y magkakatuluyan sina Ate Shena at Kuya Bodjie ng Batibot?

11. Si Erap ay sa showbiz section lang ng dyaryo?

12. nagpakatanga ka sa pag-ibig (na ngayo'y pinagtatawanan mo na lang)?

13. ang intindi mo ng LOL ay ULOL imbes na Laughing Out Loud?

14. FACES ang in na gimikan?

15. SM City ang pinakamagandang mall sa bansa?

16. kinilig ka nang malaman mong ikakasal si Pops at si Martin?

17. piso lang ang isang basong taho?

18. at kailangan mong magdala ng sarili mong baso kasi wala pang plastic cups no'n si manong magtataho?

19. tarzan, jojo, at tootsie roll ang pinaggagastusan mo ng mga beinte-sinko mo?

20. trianggulo pa ang sunkist tetrapak (de hindi na tetrapak yon)?

21. nagkakakalyo ka dahil type writer pa ang ginagamit mo para sa mga school paper mo?

22. kaya uso pa ang carbon paper?

23. at liquid paper?

24. VETO ang iyong deodorant o kaya MUM (kaya lumalakas ang loob mong maging MUMyayakap)?

25. at tancho gel ang pang-ayos mo ng buhok?

26. KLIM ang tinitimpla ng nanay mo para sa'yo para inumin bago matulog?

27. walang makagambala sa'yo pag alas sais ng hapon , Lunes mula Biyernes, kasi cartoons na?

28. nanliligaw pa lamang si Brod Pete kay Shirley sa John and Marsha?

29. sa Ortigas Center ka tinuturuang magmaneho kasi puro talahib pa yon no'n?

30. nakakapag-grocery ka na 100 piso lang ang dala?

31. anim na numero lang ang kailangan mong tandaan para tawagan ang kaibigan mo?

32. at hirap na hirap kang tumawag mula sa public phone kasi limang dyis ang kailangan mong hagilapin?

33. sosyal si pareng Mon kasi naka-cell phone siya, ngunit hanggang kotse lang yon kasi mabigat bitbitin?

34. hinihingi mo yung computer cards ni daddy mula opisina niya para gumawa ng saranggola para sa iyong school project?

35. pag narinig mo ang Every Breath You Take, si Sting at si Sting lang ang pumapasok sa utak mo?

36. si Helen Vela ang naririnig mo pag binuksan mo ang radyo mo sa OK 101?

37. dalawang piso lang ang songhits?

38. iniisip mong dapat mag-retire na si Jaworski kasi kuwarenta anyos na siya?

39. pango pa si Vilma? at saka si Regine Velasquez?

40. kay Amado Pineda ka lang naniniwala pag ukol sa panahon ang balita?

41. na matanda ka na talaga?

Salamat sa kung sinuman ang gumawa nito. Nakarating lamang ito sa akin sa pamamagitan ng i-meyl.

Go Back To The Gateway